Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aplikanteng trabahador, hitman pala

0 34

Patay ang isang farm owner matapos siyang barilin ng isa sa dalawang lalaking nag-a-apply na trabahador sa kanyang bukid sa Infanta, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Salvador Recto Lorella, 38-anyos, residente ng Brgy. Magsaysay.

Ayon sa Infanta Police, dakong alas-7:40, Martes ng gabi, nang dumating sa bahay ng biktima ang dalawang hindi nakilalang salarin.

Hinahanap ng mga ito si Lorella at sinabi sa misis nito na mag-a-apply sila bilang magtatabas sa bukid ng mag-asawa.

Subalit nang lumabas ang biktima, sinalubong na ito ng mga putok ng baril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek samanta­lang isinugod pa sa ospital si Lorella subalit idineklara na rin itong dead-on-arrival ng doktor.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dala­wang suspek at inaalam pa ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.