Abante Tonite Interactive

Apo ginising para gahasain

589

Arestado ang isang 63-anyos na lalaki matapos gisingin at pagsamantalahan ang kanyang natutulog na apo kahapon sa Tondo, Maynila.

Kakasuhan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 ang suspek na si Henry Castro, residente ng Yuseco St., Tondo dahil sa reklamo ng apo nitong si Grace, ‘di tunay na pangalan, 13, grade 9 pupil at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 7, naganap ang pang-aabuso dakong ala-una nang hapon noong Lunes (Hunyo 10) sa loob ng kanilang bahay.

Sa reklamo ng biktima kay P/Corp. Shiela Marie De Guzman, natutulog ito sa loob ng kanilang bahay nang magulat siya nang gisingin ng kanyang lolo.
Nabatid na ikinandado ng suspek ang pintuan ng kanilang bahay at inatasan siyang maghubad ng underwear at saka pinagsamantalahan.

Nang makaraos, pinagbantaan pa siyang huwag magsusumbong. Gayunman, nang makakuha ng pagkakataon ay nagsumbong sa kanyang ina na agad dumulog sa pulisya.

Ang suspek ay nadakip nina Kagawad Rodolfo Cabinbin at Ex-O Dennis Romio Marquez, ng Brgy. 232 Zone 21 District 2. (Juliet de Loza-Cudia)