Abante Tonite Interactive

Apo nalunod sa lolang busy sa sampayan

340

Dahil sa sobrang kaabalahan sa sampayan, ‘di na napansin ng isang lola na nalunod na pala ang 1-anyos nitong apo kamakalawa nang hapon sa General Santos City.

Bago natagpuang lumulutang ang apo sa isang fishpond malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Labangal, Lunes nang hapon, ay sinasabing kumukuha ng sinampay ang 56-anyos nitong lola.

Ngunit sa ilang minutong pagkakali­ngat ng lola na siyang bantay noon sa apo ay ‘di nito akalain na ito na ang magiging mitsa ng buhay ng bata nang tuluyang anurin sa fishpond.

Nabatid na nasa pangangalaga ng matanda ang paslit dahil ang ina nito ay domestic helper sa Saudi Arabia habang sa Davao City naman nagtatrabaho ng ama nito.