Abante Tonite Interactive

Apo ni Bonifacio nagpasalamat kay Isko

668

Nagpasalamat kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang apo sa tuhod ni Gat Andres Bonifacio dahil sa ginawa nitong paglilinis sa Bonifacio Shrine.

Nabatid na personal na nagtungo sa tanggapan ni Moreno si Susan Meyer, para magpasalamat sa alkalde sa kanyang ginawa.

Inamin ni Meyer na napapaiyak na lamang siya dati sa tuwing napapadaan ito sa napabayaang bantayog ng kanyang lolo pero ngayon ay walang paglagyan ang kanyang kasiyahan.

Una nang pinaalis ni Moreno ang may 100 vendor na ginawa nang tirahan, tindahan, bodega at mala­king palikuran ang Bonifacio Shrine.

Sa pag- iinspeksiyon sa lugar nakatapak pa ng dumi ng tao si Moreno sa lugar.

Kaagad na pinalinis ni Moreno ang lugar, pinalagyan ng mga ilaw na ikinatuwa ng mga mamayan sa Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)