Abante Tonite Interactive

Apo ni ex-mayor tinambangan

396

Patay ang apo ni dating Kabanka­lan City, Negros Occidental mayor Pablo Sola matapos tambangan at pagbabarilin ng apat na armadong lalaking lulan ng dalawang motorsiklo Linggo ng hapon sa nabatid na lungsod.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga bala sa katawan ang biktimang si John Paul Sola, 38-anyos.

Sa ulat ng Kabankalan City PNP, alas-singko ng hapon nang maganap ang insidente.

Lulan ng kanyang sasakyan si Sola at papatawid ng tulay sa Brgy. Camansi nang sabayan ng apat na suspek na lulan ng dalawang motorsiklo at paulanan ito ng bala.

Ayon naman kay Police Col. Romeo Baleros, Director ng Kabankalan City PNP, matapos pagbabarilin ang biktima ay itinaas ng mga suspek ang kanilang kamay habang nakasarado ang kamao bago mabilis na nagsitakas.

Teorya ni Baleros, posibleng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga suspek. (Edwin Balasa)