Abante Tonite Interactive

Apo puwede bang ampunin?

By
484

Dear Atty. Claire:

Maganda umaga, hapon sa inyo. Nais ko laang magtanong. Married sa church ang anak kong lalaki.. subalit hindi nagtagal dahil nag-abroad ang anak ko. Hindi nakatiis ang asawa niya at nagkahiwalay. Ang mother ay may pamilya ng iba.

Mayroon po sila anak na lalaki, apo namin sa kasalukuyan at 10 years old siya last December 7, 2015, sa si­mula pagka bata ay kami ang nagaalaga. Bilang lolo at lola ay puwede ba ho naming ma-adopt ang aming apo? Saan po at paano po magsisimula?

Salamat po.

MCabello

MCabello,

Bilang mga lolo at lola ay pwede po ninyong ampunin ang inyong apo. Ngunit kakailanganin ninyo ang consent ng bata dahil siya ay 10 taong gulang, mga magulang ng bata at ng inyong anak na may edad 10 pataas. Ayon sa ating batas, RA 8552:

Section 9. Whose Consent is Necessary to the Adoption. – After being properly counseled and informed of his/her right to give or withhold his/her approval of the adoption, the written consent of the following to the adoption is hereby required:

(a) The adoptee, if ten (10) years of age or over;

(b) The biological parent(s) of the child, if known, or the legal guardian, or the proper government instrumentality which has legal custody of the child;

(c) The legitimate and adopted sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter(s) and adoptee, if any;

(d) The illegitimate sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter if living with said adopter and the latter’s spouse, if any; and

(e) The spouse, if any, of the person adopting or to be adopted.

Kapag po pumayag ang biological parents ng bata ay maaari nang simulan sa pamamagitan ng pagkausap sa assigned na social worker sa inyong lugar upang makagawa siya ng case study at magkaroon ng pakikipag usap sa biological parents ng bata para madetermina kung tanggap at handa na sila sa pagpapa adopt ng kanilang anak. Kapag naging maayos ang mga ito ay maaari na kayong magsampa ng petition for adoption sa korte at doon aalamin kung sa ikabubuti ba ng bata ang planong pag-ampon.

Mas mainam po kasi na preparado ang mga ito kaysa magsampa kaagad kayo ng petition at kapag lumabas sa case study na hindi dapat o hindi maaaring isagawa ang pag aampon ay lubhang masasayang lang ang lahat ng effort at oras. Kapag nagsampa kaahad ng Petition for Adoption ay ipag uutos din ng korte na dapat na maipakita na nagkaroon ng counselling sa mga biological parents at ipag-uutos din na gumawa ng case study ang social worker.

Mas magandang makipag-ugnayan sa assigned social worker sa inyong lugar.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.