Abante Tonite Interactive

Apoy ng kaldero walang patayan

0 206

Umulan man o umaraw walang patayan ang mamahaling cauldron ng 30th Southeast Asian Games 2019.

Mawawala lang ang liwanag tapos ng bakbakan ng mga atleta sa Disyembre 11.
Nakapuwesto ang P50 million cauldron sa New Clark City Athletics Stadium sa Capaz, Tarlac.

Maraming taong nagse-selfie kapag napapadaan sila sa kinatatayuan ng cauldron.

Sa opening ng biennial meet, sina torchbearer Manny Pacquiao at Nesthy Petecio ang nag-ilaw sa cauldron. (Elech Dawa)