Abante Tonite
Mabilis sa Balita

App palit sa contract tracing form

0 235

Pinatupad sa Valenzuela City ang bagong paraan ng pagtatala ng contact tracing form para sa mga residente na papasok sa mga establisimyento.

Sa Oktubre 5 aarangkada ang ValTrace app bilang bahagi ng pagpapaigting sa pagtukoy ng mga posibleng pasyente ng COVID-19. Dahil dito, bawal na ang tradisyonal na pagsagot ng mga contact tracing form sa mga mall, drug store, bangko, money remittance, supermarket, at iba pang gusali.

Libre ang app para sa mga residente, mada-download dito ang code na maaari namang i-print at ipa-laminate na siyang ipakikita sa mga security guard ng mga pupuntahang lugar. Makatutulong ito para sa pag-monitor ng mga posibleng COVID-19 patient. Kailangan lang na ilagay ang address, telepono, at pangalan. Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.