Abante Tonite Interactive

Appointee nangayayat sa mga palpak na trabaho

By
396

Agaw-pansin ang pamamayat ngayon ng isang opisyal ng Malacañang dahil kahit sinong makakita ay napupuna ang tila pagnipis nito.

Hindi naman nagkasakit ang opisyal pero may hinala ang mga miron sa Palasyo na posibleng may kinalaman sa trabaho nito ang pagbawas ng kanyang timbang.

Okay sana kung nangayayat ito dahil sa dami ng magagandang accomplishment niya sa trabaho.

Paano naman kasi mga utaw ay nagiging madalas mapansin ang mga kapalpakan at pinaggagagawa nitong opisyal kaya naman kahit sa social media ay naba­batikos ito.

Sabi ng mga kaibigan nitong opis­yal, seryoso daw kasi ito sa kanyang trabaho kaya pati pagkain ay nakakalimutan na niya. Sows!

Clue: Ang presidential appointee na mara­ming ginawang kapalpakan ay may letrang M sa kanyang pangalan as in Malakas siya sa Presi­dente kaya hindi masibak.