Abante Tonite Interactive

Aprub na sa third and final reading sa Senado ang universal health care bill

GINHAWA NG BAYAN

By
89

INSPIRING ang hu­ling araw ng sesyon ng Senado noong Oktubre 10 bago kami mag-break ng isang buwan dahil inaprubahan namin sa third and final reading ang universal health care (UHC) o Senate Bill No. 1896, na isinusulong natin para sa kaginhawaan ng ating mga kababayan.

Kaginhawaan dahil ang UHC ang magbabalik sa karapatan ng bawat Pilipino sa ayuda ng gobyerno para sa abot-kaya at may kalidad na health care.

Kapag batas na ang UHC, sagot na ng gobyerno ang malaking bahagi ng gastos sa pagpapagamot o pagpapaospital ng lahat dahil basta Pilipino, automatic member na ng PhilHealth.

Pero may “unfinished business” pa tayo na bicameral conference committee meeting para mapagtugma ang versions ng Senado at House of Representatives.

Gagawin natin ito pagbalik ng sesyon umpisa sa Nobyembre 12 para maratipikahan agad ng Senado at Kongreso ang final version at mapirmahan ito ni Presidente Rodrigo Duterte bago matapos ang taon.

Sa mga nagtatanong kung bakit “na-delay” ang Senado samantalang sa House of Representatives ay 2017 pa ay aprubado ang UHC, ito po dahil binusisi namin ito ng husto.

Limang public hearing ang isinagawa ng Senate Committee on Health and Demo­graphy na ating pinamumunuan, bukod pa sa ilang consultations at technical working group sessions.

Nag-hearing tayo sa Cebu City, Davao City, Legaspi City, Albay at Lingayen, Pangasinan para malaman ang pulso ng mamamayan at ang kanilang mga opinyon na mahalaga ay isinama natin sa bill.

Sa mga susunod na­ting kolum ay ipapaliwanag natin isa-isa ang UHC para sa mas kaliwanagan ng lahat.

Pero sa ngayon, pasasalamatan muna natin ang mga tumulong para sa landmark legislation na ito.

Salamat sa aking mga kapwa senador na ating naging co-authors na sina Senate President Vicente Sotto III, President ProTempore Ralph Recto, Majority Leader Migz Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, at Sens. Risa Hontiveros, Sonny Angara, Sherwin Gatcha­lian, Nancy Binay, Leila De Lima, Cynthia Villar, Joel Villanueva at Manny Pacquiao.

Thank you very much din sa ating counterpart na si Rep. Angelina Tan na chairperson ng health committee sa House of Representatives.

Nais din nating pasa­lamatan ang Department of Health sa pangunguna ni Secretary Francisco Duque III, PhilHealth, local government units, at mga health advocate mula sa pribadong sector.

At siyempre mara­ming-maraming salamat kay Presidente Duterte na nag-certify as urgent sa passage ng UHC.