Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aprub sa DOH, FDA Lazada, Shopee bawal yosi, alak sale

0 238

Magsasanib-puwersa ang Department of Finance, Department of Health, at Department of Trade and Industry para bantayan ang pagbebenta ng alak at sigarilyo online mula sa mga shops tulad ng Lazada at Shopee.

Sa isang pahayag, sinabi ng DoF na sinusuportahan ng DoH at ng Food and Drug Admnistration na napapailalim dito ang panukalang ipagbawal ang pagbenta online ng alak, sigarilyo at iba pang mga tinuturing na ‘sin’ products pati na ng vape o electronic cigarettes.

Ayon sa DOF, gagawin ito para mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao, lalo na ng kabataan.

“The DOH and FDA said they will work closely with the Departments of Finance and of Trade and Industry and other government agencies to develop a comprehensive regulatory framework to allow only legitimate and registered (online) sellers and place appropriate safeguards to protect vulnerable groups,” sabi ng DOF.

Pinag-initan ni DOF secretary Carlos Dominguez III Dominguez ang pagbenta ng mga alak at sigarilyo online nang malaman niyang malaki ang discount na ibinibigay ng mga shops tulad ng Lazada.

Ayon pa sa DoF, madaling lusutan ang sistema nito dahil ipapa-click lang sa buyer ang isang box na nagsasabing 18 years old na sila o mas matanda pa para makapasok sa page. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.