Abante Tonite Interactive

Aprub sa ligtas na Christmas toys

0 189

Nagsimula ka na bang mamili ng regalo para sa mga inaanak ngayong Pasko?

Bukod sa aguinaldo,­ laruan din ang karaniwang ibinibigay ng maraming Ninong at Ninang. Kaya muling nagbabala ang ilang grupo kaugnay sa pamimili ng Christmas toys.

Panawagan ng environmental group na Eco­Waste Coalition at consumer group na Laban Konsyumer,­ maging mapanuri sa pagbili ng mga laruan dahil naglipana ang mga hazardous toy sa merkado. Baka imbes na maging merry ang Pasko ng mga bata, mapahamak lang sila!

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition, “While toys are generally fun and safe to play with, there are toys out there that can pose various hazards from chemical poisoning, choking,­ skin laceration, strangulation and even injury to sensitive body parts like the eyes and ears.”

Sigaw naman ni Atty. Vic Dimagiba, President, Laban Konsyumer, importanteng paigtingin ang pagbabantay sa mga inilalako at ibinebentang laruan sa merkado. “The government needs to assure consumers that toys being sold in the market are not only affordable, but also properly labelled and of good quality”, dagdag pa niya.

Narito ang ilang tips sa pamimili ng Christmas toys:

• Suriin ang recommended age na nakalagay sa packaging ng laruan.
Hangga’t maaari, iwasang bumili ng Christmas toys na walang imprentang age appropriateness.

• Pumili ng laruan na ‘durable’ at ‘well-made’. Kung madaling makalas o masira ang laruan, baka malulon pa ng bata ang piraso o bahagi nito.

• Iwasan ding bumili ng laruan na may maliliit na parte. As a gene­ral rule, toys and toy parts should be bigger than a child’s mouth.

• Huwag ding magre­galo ng mga laruan na may cord na mas mahaba sa 12 inches. Posible ka­sing maging mitsa pa ito ng pagkasakal ng mga bata.

• Ekis din sa mga laruang may pointed parts at sharp edges. Baka maka-injure pa ito sa mga bata.

• Iwasan din ang coated toys lalo na kung walang assurance na safe ito sa lead content.

• Tangkilikin ang mga laruang ‘duly labeled’ at rehistrado para tiyak na pumasa sa safety standards.

Ang sa akin lang, iwasang magbigay ng regalo sa mga bata na ikapapahamak nila. Dapat saya at hindi disgrasya ang idulot ng laruan sa kanila.