Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aprubahan ang divorce: Kris bet maging 1 day President

0 405

Inurirat ang lovelife ni Kris Aquino. May bago ba siyang pag-ibig?

“Habang nabubuhay, huwag mawalan ng pag-asa. ‘Yun lang ang sagot ko. Hahaha!,” sambit niya sa isang video na naglalaman ng mga kasagutan niya sa tanong ng press para sa bagong show niya na “Love Life With Kris Aquino.” Magsisimula ito sa August 15 sa TV5.

Na-imagine ba niya na makakagawa siya ulit ng talk show at makakabalik ka sa TV pagkatapos ng mga nangyari?

“Yes. Because my ate told me. She envisioned the day that I would be back, and that I could share my story of everything that I went through, so that people would know: Walang imposible! Kaya – basta huwag kang susuko!,” tugon niya.

Simple na ba ang buhay niya ngayon?

“You know, simplicity is very relative. So, I may say I feel I’m so simple, tapos, the rest of you, pagtatawanan ni’yo ko?

“Pero the one thing I truly miss – ‘yung pandesal sa probinsiya! Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day. Tapos, iba siya! Ang sarappp! Tapos, ‘yung simoy ng hangin.

“Tapos, gustong-gusto ko talaga na ano, ‘yung… Gusto ko talaga tumira near a lake… And yun nga, sabi ko, para naman productive citizen ako, meron akong fish pond or something… or my dream actually, it’s always been a dream, and it can come true – is to own a beach resort!

“Oo, ‘yun! Krissy’s Resort! Hahaha! Naloka sila. Bakit? ‘Di ba, kayo rin naman, gugustuhin ni’yo na ako ‘yung nagwe-welcome sa inyo? At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo.”

 

Hindi ako tatakbo sa 2022- Krissy

Sinong tao o personalidad ang gusto niyang maging kahit sa loob ng isang araw? Ano ang gagawin niya?

“I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me. For one day, I want to be President – on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan.

“My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive.

“I believe that women and men should have equal rights about this. I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayong-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage. Pero ang divorce… sa sagot kong ‘yan, ha, alam niyo na!

“Hindi ako tatakbo for anything in 2022!

“Pero, ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit na sino man, ‘yung proseso ng pagpapa-annul. Kasi, puwede naman talaga ang divorce. And separation naman talaga ‘yan, eh, of church and state.”

Sa mga kaganapan sa ating bansa sa panahon ng pandemya, napag-isip-isip na ba niyang sumabak sa pulitika? If ever, sino ang role model niya – si Pasig City Mayor Vico Sotto, si Ormoc City Mayor Richard Gomez, si Congresswoman Vilma Santos, si Senator Kiko Pangilinan, si VP Leni Robredo, o sino man?

“If there’s one thing that I’ve learned, nanggaling ito sa dad ko – Huwag mong ibunyag ang mga plano mo dahil paghahandaan ka nila!

“So, kung role model, bakit ako lalayo pa? Doon na ako sa mga magulang ko! Pero… I don’t think 2022 is my time.”

Talbog!

 

Willie-Tetay tandem posible

Tinanong din si Kris kung may posibilidad pa bang magkatrabaho sila ni Willie Revillame?

“You know, bilog ang mundo. Walang imposible! He’s one man that my children respect very much.

“He’s somebody who gain nothing from defending us, but he has continued to be our friend. So, I’m very grateful for that, ” pakli niya.

‘Yun na!

 

Bati kay Boy Abunda

Okey ba si Kris at ang King of Talk na si Boy Abunda?

Magkaibigan pa ba sila?

“Yes, we talk. And he gives me good advice. And he knows, and I know, we love each other,” pakli pa niya.

Tsuk!

Leave A Reply

Your email address will not be published.