Abante Tonite Interactive

APT 2020 Online Series

247

DAHI wala pa ring kasigurahan if and when tuluyang mapipigil ang pagkalat ng coronavirus sa buong mundo, wala ring kasiguruhan kung kailan ulit puwedeng magkaroon ng malalaking live tournament sa poker.

Kaya naman ipinasya ng Asian Poker Tour (APT) na gawing online ang next big poker series nila na nakatakdang ganapin mula Abril 29 hanggang Mayo 10.

Apat ang featured event sa tinaguriang APT 2020 Online Series – ang Main Event, Championship Event, Pot-Limit Omaha (PLO) Championship at Short Deck Championship.

Siguradong sasali sa serye ang pinakamainit na Pinoy poker player ngayong taon na si Florencio Campomanes IV dahil isa siya sa mga madalas mag-post sa social media tungkol sa online poker.

Katunayan, sa post ni Campomanes ko nalaman ang tungkol sa APT online series na ito.

Malamang na sasali rin ang top-rated poker player ng bansa na si Mike Takayama na kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Hindi pa natin alam kung paano ang pagsali pero kung interesado kayo ay umpisahan ninyo nang mag-ipon dahil may kamahalan ang entry fee – $500 sa Main Event, $800 sa Championship Event, $400 sa PLO Championship at $400 sa Short Deck Championship.

Kailangan mo rin yatang i-download ang GGPoker dahil iyon ang poker app na puwede mong gamitin para makapaglaro sa serye.

Marami tayong kababayan na sabik na ulit sumabak sa poker tournaments kaya malamang na maraming Pinoy na sasali sa online poker series na ito.

Hindi nga lang natin alam kung palaban ba sa poker marathon ang mga internet providers natin. Masakit kasi kung matatalo ka dahil sa poor internet connection.

Babalitaan natin kayo kung may update na lalabas tungkol sa APT 2020 Online Series.

Tonite – Wendys Inhouse Ad