Abante Tonite Interactive

APT, walang alok kay Kris!

By
Kris Aquino
4

NAKAUSAP namin kahapon ang ­tumatayong manager ni Marian ­Rivera-Dantes at may posisyon sa APT Entertainment na si Rams David tungkol sa isyung Kris Aquino.

Ayon kay Rams, tinanong niya ang boss niyang si Mr. Tony Tuviera at ang sabi nito ay walang in-offer na kung anuman ang APT kay Kris.

Nag-lunch lang kamakailan si Mr. T with Kris kasama si Direk Mike Tuviera at ‘yun lang daw ‘yon.

Ang balita kasi ay hindi na pumirma ng kontrata si Kris sa ABS-CBN at diumano ay may gagawin itong show at pelikula sa APT.

Ang mga show na produced ng APT (Sunday PINASaya at Calle Siete, ang Eat Bulaga ay sa TAPE, Inc.) ay nasa GMA kaya maugong ang tsikang magiging Kapuso na ulit si Kris.

May karugtong din itong tsika na gusto ni Kris na siya ang maging leading lady ni Vic ­Sotto sa bagong Enteng Kabisote movie at hiniling nitong makasama ang AlDub sa nilulutong festival entry ni Bossing.

Itinanggi rin ‘yon ni Rams at sa pagkaka­alam niya ay hindi kasali sina Alden Richards at Maine Mendoza sa bagong Enteng ­movie ni Bossing.

Ang dinig namin ay ang JoWaPao ­(Jose Manalo, Wally Bayola & Paolo Ballesteros) ang kasama sa bagong pelikula ni Bossing at hindi pa sure kung sino ang magiging ­leading lady nito.

Sa pagkakaalam namin ay nagsimula nang mag-shooting ang latest Enteng installment.

Inumpisahan na raw ito bago pumasok ang ghost month.

Bayolente ang reaksyon ng AlDub fans sa idea na makasama ng AlDub loveteam si Kris sa isang pelikula.

May ilang taga-ABS na ang paniwala ay may project talaga si Kris sa APT.

Abangan na lang kung kering iwan ni Kris ang Kapamilya network at mag-ober da bakod sa Kapuso network.