Abante Tonite Interactive

Aquathlete Yumang sinagip sa pagkabokya ang ‘WGR’

304

Niligtas ni Jhanelle Cathlene Yumang sa muntik na pangingitlog ang Taguig City-based Wednesday Group of Runners sa kakahagibis lang na Fuerza Aquathlon 2018 sa PhilSports Complex (dating ULTRA) sa Brgy. Oranbo, Pasig City.

Isang matalinong estudyante na nasa ika-2 baitang sa Concepcion Elementary School sa Malabon City at anak ng company driver at housewife, naka-gold medal siya sa pamamayagpag sa girl’s Fuerzakids 5-7 years old class 50-meter swim, 400m run race.

Tumiyempo si Yumang ng 14 na minuto sa paglangoy at 49 na segundo sa pagtakbo upang manaig sa mahigpit na mga karibal na sumegunda at tumer­serang sina Stephanie Miles Caropo (15:05 swim/3:00 run) at Eryza Renoa May Buison (15:04/3:10).