Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aquino ‘di pa alam pinagbibili ang Elite

0 354

Umaasa si Blackwater Elite team manager Patrick Henry Aquino na magiging positibo ang kanilang pag-uusap ng may-ari ng koponan na si Dioceldo Sy matapos ang sorpresang pahayag ng huli kamakalawa na ibebenta na ang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).

“I don’t want to say anything for now, maybe until after makapag-usap na kami ni Boss Deo,” komento kahapon sa Abante TONITE ni Aquino, na itinalaga bilang team manager ng Elite bago magbukas ang ika-45 taon ng proleague noong Marso bilang kapalit ni Joel Co.

Si Aquino ang nag-asikaso na pagpirma sa mga bagong miyembro ng koponan mula sa PBA Rookie Draft noong Disyembre gayundin sa iba pang natirang players matapos ang malalaking trade ng team klasama ang paglipat ni Bobby Ray Parks Jr. sa TNT.

Ang Elite ay binubuo sa kasalukuyan nina Mac Belo, Nino Canaleta, Mike Cortez, Carl Bryan Cruz, Ed Daquioad, Diego Miguel Dario, Ron Marvis Dennison, Paul Desiderio, Chris Javier, Marion Magat, James Ryan Sena, Shej Roi Sumang, Yousef Taha, Mike Tolomia, Don Trollano at rookie Maurice Shaw. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.