Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aquino puwede sa Libingan ng mga Bayani – Palasyo

0 95

Maaaring ilagak ang mga labi ni dating Pangulong Benigno `Noynoy’ Aquino III sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City kung gusto ng pamilya nito.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroong prebilihiyo ang mga dating pangulo na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

“Kung gusto ng pamilya na mailibing sa Libingan ng mga Bayani talaga namang pupuwedeng mailibing doon ang mga dating Presidente. But that is a choice of the family,” ani Roque.

Kasabay nito nanawagan ang Palasyo sa publiko na iwasan muna ang politika pati na rin sa mga netizen na hindi maiwasang mambatikos sa gitna ng pagdadalamhati ng naulilang pamilya Aquino.

“Alam niyo po tayong mga Pilipino meron tayong mga kaugalian at isa sa talagang kaugalian ay nakikiramay kapag mayroon pong namatayan sa pamilya. So igalang po natin itong kaugalian natin dahil alam naman po ninyo nangyayari `yan sa lahat ng mga Pilipino at alam natin kung gaano kasakit ang pangyayaring ito,” panawagan ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.