Abante Tonite Interactive

Ara adik sa mountain climbing

PAK!

295

tonite-pak-allan-diones

Ka-bonding ni Cristine Reyes ang sisters ­nitong sina Ara at Heidi nang mag-celebrate ito ng 30th birthday nu’ng February 5.

Sa Thailand nagpunta ang magkakapatid, kasama ang husband ni Heidi na si Alfred Gatmaytan dahil nagsi-celebrate ang mag-asawa ng 15th wedding anniversary.

Sina Ara at Cristine ay parehong walang partner. Matagal nang hiwalay si Ara sa ama ng anak nito na si Patrick Meneses, habang si Cristine ay hiwalay na rin sa mister na si Ali Khatibi.

Sa pag-amin ni Ara, ganu’n na ang birthday ngayon ni AA (palayaw ni Cristine). Kung dati ay super-party ito ‘pag nagbi-birthday, nga­yon ay iba na.

Mas tahimik na ang bet nito. Sisterly bonding na lang na ganu’n, na out of the country. Pagbalik nila ay nag-Boracay naman si AA kasama ang daughter nitong si Amarah na nag-5th birthday.

Hindi raw nakikialam si Ara sa lovelife ng kapatid. What you see it what you get na lang daw sa kanila, wala nang usap-usap pa.

But they’re happy na mas nakaka-bonding ngayon ng pamilya si AA. Nu’ng mag-asawa raw kasi ito ay bihira nilang makasama, pero ngayon ay balik na ulit ang closeness nila.

Kaya everytime na nag-i-invite si AA ay binibigyan niya ito ng time.

Ang payo ni Ara kay Cristine ay ‘love yourself.’ Ang alam niya ay okey naman ito at si Ali. Nagkikita naman daw ang dalawa para kay Amarah.

Love yourself din ang sabi ni Ara sa sarili niya. In fact ay 4 years na raw niyang nila-love ang self niya.

Nabanggit sa amin ni Ara na naaadik siya ngayon sa pag-ak­yat ng bundok. Nakaka-11 na bundok na raw siya sa Pilipinas, na ang pinakamataas na naakyat niya ay Mt. Pulag.

Nakatulong daw ang mountain climbing hobby niya na ‘yon sa pagmu-move on niya dati. Malaking tulong din ito sa pag-lose niya ng weight, pero hindi raw ‘yon ang dahilan ng pamumundok niya.

In fairness ay may pa-swimsuit si Ara nang mag-Thailand ­silang magkakapatid.

Sa tanong namin kung handa na siyang mainlab ulit, ang sabi ng aktres ay friends sila ni Patrick at natanggap niyang hanggang du’n na lang sila.

May mga guys na nagpaparamdam sa kanya, pero hindi seryoso. Meron ding consistent mag-ask ng dinner, kaya plano na niyang mag-date this year.

Wala pa ulit tele­serye si Ara after “Araw Gabi” sa ABS-CBN, pero may indie film siyang “Immaculada” na ipapalabas bilang opening film sa Singkuwento filmfest.

Incest daw ang tema nito, na mag-ina sila ni Akihiro Blanco na nagkaroon ng relasyon. May love scene sila, na may butt exposure si Akihiro.

Natawa ang 39-an­yos na si Ara nang kantiyawan namin na mga bagets na ang nakaka-love scene niya ngayon.

Actually, may offer din daw sa kanyang cougar role na mala-“Glorious” para sa isang digital film sa iWant, pero pinag-iisipan pa raw niya ito.