Abante Tonite Interactive

Ara dismayado kay Deborah

628

Inamin ni Ara Mina na dismayado siya sa pagkakatimbog ng dating aktres na si Deborah Sun sa droga.

Gayunpaman, higit sa kondenahin ito ay mas nananaig daw ang awa niya sa kundisyon nito lalo’t may mga anak ito.

Wala rin daw siyang balak paalisin ang mga anak nito na nakatira sa condominium unit na kanyang pag-aari.

Giit pa niya, mula raw nang matimbog ito ay hindi pa sila nakapag-uusap ni Deborah.

Saad pa niya, naniniwala siyang dapat na ma-rehab ito pagkatapos na maging positibo sa drug test na isinagawa ng mga pulis pagkatapos ng buy-bust operation. (Archie Liao)