Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ara expert sa himas

0 817

NI: ROLDAN CASTRO
Misteryosong fashionista ang role ni Ariella Arida sa ‘The Lost Recipe’.

Siya ay si Lotus Mandela na bawat taong hawakan ng kanyang kamay ay may masamang nangyayari.

Sey nga niya sa kanyang Facebook live sabihin lang kung sino ang kanyang hahawakan at siya na ang bahala.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil sa karakter ni Ara sa serye na magaling humawak, biro ng mga barako expert daw sa himas si Lotus.

Anyway, malungkot si Ara na magtatapos na ang ‘The Lost Recipe’ sa March 31 na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos. Wish niya ay magtuloy-tuloy pa ang kanyang acting career at masundan ng ibang project.

At dahil parte ng serye ang masarap na pagluluto, may iiwang tips si Ara pagdating sa pagda-diet. Lumalafang lang daw siya ng pork at beef pag may espesyal na okasyon. Naniniwala siya na dapat ay consistent ka sa fitness mo. Hindi ‘yung lamon to death uli pag nakuha mo ‘yung target na timbang. Dapat ay patuloy raw ang disiplina sa pagkain kung gustong ma-maintain ang magandang katawan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.