Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ara kinasal na

0 143

Ikinasal na kahapon, June 30 sina Ara Mina at Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Dahil sa mahigpit ang pagpapatupad ng safety protocols sa Baguio ay dumaan daw lahat ng dumalo sa swab test bago nakapasok sa nasabing lungsod.

At kailangang nakarehistro sila sa Baguio Visita website para sa QTP (QR-coded Tourist Pass). Bukod dito ay kailangan pa ring nakasuot ang lahat ng face mask at face shield.

Mistulang isang prinsesa si Ara sa kanyang bridal ball gown na gawa ng couturier na si Leo Almadal habang ang groom naman ay napakakisig sa kanyang royal blue suit.

Dumalo sa nasabing kasalan sina Sunshine Cruz kasama ang boyfriend na si Macky Mathay (half-brother ni Ara), Jenny Miller, Barbie Imperial, Melissa Ricks, Samantha Bernardo, Jaycee Parker, Jessa Zaragoza, Jose Sarasola, Gerhard Acao at marami pang iba.

Of course, present din ang anak ni Ara na si Mandy at para rin siyang little bride dahil replica ng wedding dress ng kanyang ina ang kanyang gown.

Ang mga ninong at ninang naman ay sina dating Sen. Manny Villar kasama ang asawang si Sen. Cynthia Villar, Sen. Bong Go, Sen. Richard Gordon, Sen. Ralph Recto at asawang si Congw. Vilma Santos-Recto, San Pedro, Laguna Mayor Lourdes Cataquiz at Robina Gokongwei-Pe.

Mabuhay ang bagong kasal!

Rhian bet maging matandang dalaga

Walang panahon ngayon sa love life si Rhian Ramos lalo na nga at this time of pandemic. Matapos ang break-up nila ng Israeli boyfriend last year, ine-enjoy ng aktres ang pagiging single .Hindi raw niya goal ngayon ang magkaroon ng BF.

Sey nga n’ya sa isang panayam, she’s single but not available.

“I feel like now is the best time to be single and enjoy the quiet because hindi katulad ng dati ang daming clutter sa buhay like if you’re single all your friends wanna go out, they wanna take you out, they wanna introduce you to more people so that you can fall in love again,” sey ni Rhian.

Nabanggit nga rin ng actress na ewan kung nagbibiro, ang dream daw niya talaga ay maging matandang dalaga.

“Dream ko talagang maging matandang dalaga. Gusto kong maging tita,” natatawa niyang sabi.

Pero siyempre, hindi naman niya isinasara ang puso niya kung may dadating namang bagong pag-ibig.

“Hindi ko siya goal, hindi ko siya dream, pero kung may dumating, tapos kung parang feeling ko galing naman siya kay Lord, okay lang,” she said.

Sa ngayon ay mas importante kay Rhian na mahalin at isipin muna ang sarili lalo pa nga’t katatapos lang niya sa kanyang pakikipaglaban sa COVID-19 last April.

Leave A Reply

Your email address will not be published.