Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ara mahilig sa politiko

0 327

NI: ARCHIE LIAO

Tila hindi na maitago ni Ara Mina ang pagkaka-link niya umano kay Dave Almarinez.

Napapadalas kasi silang spotted sa mga events na magkasama, the latest of which ay ang pagtitipon sa isang restaurant sa Lipa kasama ang close friend na si Melissa Ricks at ang fiancé nito.

Naka-post ito mismo sa IG account ng dating bokal ng Laguna na ngayon ay CEO ng isang global trading company.

Hirit naman ng netizens, weakness daw ba ni Ara ang politiko?

Si Ara ay naging girlfriend ni Bulacan Vice Mayor Patrick Nemeses kung saan nagkaanak sila.

Dati ring naging karelasyon ng aktres ang actor na si Jomari Yllana, na sa kasalukuyan ay konsehal ng Parañaque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.