Abante Tonite Interactive

Ara nadulas sa hiwalayang Cristine-Ali

0 210

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

 

Kapag sa ate mo na galing ang ganitong paha­yag sa isang panayam, “Hindi ako nakikialam, ha. What you see is what you get… Kasi, to be honest, kasi nu’ng married siya, parang medyo bihira ‘yung bonding namin,” ano kaya ang magiging reaksyon ni Cristine Reyes sa mga pananalitang ito na sa ate Ara Mina niya pa man din ga­ling.

Ang mga salitang “kasi nu’ng married siya,” ito ba ay pagpapatotoo na hiwalay na ang dekolor at puti nila Ali Kathibi? Ang ganitong pahayag na hindi sinasadya ni Hazel, ay pagpapatotoo na tuyo na talaga ang damdamin para sa isa’t isa nina Reyes at Ginoong Kathibi?

For the longest time, hindi nagsasalita si Cristine patungkol sa kanilang dalawa ni Ali, at tama naman ‘yun. Less talk, lesser mistakes. And itong spen­ding quality with her siblings and daughter, eh talaga namang precious and few moments.

Mukhang work ang best therapy ni Cristine dahil aalis siya papuntang Georgia para i-shoot ang pelikulang pagbibidahan nila ni Xian Lim.

Si Ara Mina naman, ang “Immaculada: Pag-Ibig Ng Isang Ina” ang magbubukas sa isang filmfest.

***

Glaiza pinaglaruan ni Angelica

Nakakatuwa ang bidyong ibinahagi ni Angelica Pa­ngiban kung saan kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Glaiza de Castro.

Sa bidyo, pinaglalaruan ni Panganiban ang BFF dahil may selos-selos ito sa pagpapa-tattoo nito na kaparehas ng mga ink na inilagay rin kina Kim Chiu at Bela Padilla. Ang “Beki” ang term of endearment ni Angelica para sa mga kaibigang sina Chiu at Padilla.

Sa bidyo kung saan kitang-kita ang tawang-tawang si Panganiban na tinutukso si Glaiza, ang hitad, ang hanash, “Ikaw naman yung mahal na mahal ko, e. Chicks ko lang ‘yung AngBeKi!”

Ang reaksyon ni De Castro sa hanash ni Angelica, tila gusto nitong lumubog sa upuan sa kahihiyan at sinambit niya pang mapapanood ang bidyo ng mga iba pang kaibigan ni Pa­nganiban.

Panalo para sa diva that you love at very positive ang ganitong bidyo kasi nga, ipinapapakita nito na real friendships can not only thrive but succeed in show business.

Na kahit pa nga may mga individual career sila at talaga namang busy, they make it a point to spend qua­lity time together para ma-nourish, sustain at ma-reinvigorate ang pagsasamahan at pagkakaibigan.

Na in this day and age of social media, iba pa rin ang totoong magkakasama kayo, super kuwentuhan, sharing what is happening in your lives and doing things together.

Kaya sa magkakaibigang Glaiza de Castro at Angelica Pa­nganiban, pati na rin ang Beki, na sina Bela Padilla at Kim Chiu, mabuhay kayo! Ang saya na positive posting about friendship ang inyong ibinabahagi.