Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ara pinagdudahang buntis

0 199

NI: ARCHIE LIAO

Maraming katkatera ang nag-react sa ibinahagi ni Ara Mina sa kanyang Instagram stories.

Sa naturang post, naka-tag pa ang kanyang hubby na si Dave Almarinez.

May patakam pa siya sa kanyang litrato ng isang plato ng mangga at ‘bagoong.’

May caption itong : “Ilang araw na ko nag-crave ng hilaw na mangga at bagoong. @davealmarinez.”

Dahil dito, may mga espekulasyon na ‘buntis’o nasa interesting stage na raw ang aktres.

Sa isa pang post, nagpahayag naman ang aktres kung gaano siya kasaya sa piling ng mister na pahabol pang sweet na message na “I’ll be home soon”.

Nagpasalamat din siya sa pagkakaloob sa kanya ni Dave na maging prayoridad lagi nito.

Hirit naman ng ilang netizens, wala raw namang masama kung magbuntis ang aktres dahil pamilyadong tao na ito.

Sey naman ng iba, alam na raw ang ‘pinaglilihihan’ ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.