Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ara type nang mabuntis

0 112

NI: VINIA VIVAR

Kung si Ara Mina ang tatanungin, gusto na sana niyang mag-lie low muna sa showbiz, magbuntis, at mag-focus sa kanyang pamilya. Kakasal lang nila ni Dave Almarinez three months ago.

Pero mukhang maisasantabi ang planong ito dahil kahapon (October 6) ay nag-file na ng certificate of candidacy (COC) ang kanyang mister na tatakbong Congressman ng 1st district of Laguna.

Kuwento ni Ara, nag-usap na nga raw sila ni Dave at gusto na sana nila ng tahimik na buhay.

“Nagpaplano na rin ako na tapusin mga commitments ko at asikasuhin ang buhay-asawa at pagbubuntis ko at mag business na lang kami.

“Pero maraming mga constituents namin sa Laguna ng gustong tumakbo si Dave dahil marami nga siyang mga natutulungan, nakaupo man siya o hindi. Iba rin ang nakikita kong saya sa kanya pag may ginagawa para sa tao,” sey ni Ara.

At bilang asawa, siyempre ay suportado niya ang mister sa plano nitong pagtakbo. In the past ay tatlong beses na raw itong nahalal noon bilang board member ng Laguna.

“Dahil mahal nya mga taga-San Pedro, ipagpapatuloy nya yung nasimulan niya. Siyempre ‘andito ako para supportahan ang asawa ko,” she said.
“Marami ang nakakakilala kay Dave lalo na ako na honest yan, matapat yan sa kanyang paninindigan, may integridad. Nakikita ng mga tao ‘yan sa kanya dahil noong nakaupo ‘yan sa Laguna, naglilingkod lang yan sa bayan,” papuri pa ni Ara sa asawa.

Last Sept. 30 ay ipinagdiwang nina Dave and Ara ang kanilang 3rd wedding monthsary .Masayang-masaya ang aktres na natapos na ang isang buwang lock-in taping niya sa FPJ’s Ang Probinsyano just in time para makapag-celebrate sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.