Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arado, Petro Gazz pinigtal ang Cignal

0 82

Kumayod si Kathleen Faith ‘Kath’ Arado ng 23 digs at 12 receptions upang ibangon ang Petro Gazz sa four-set loss sa Creamline nitong Martes sa paglagot sa Cignal, 25-22, 25-18, 25-21, para tumabla sa tersera sa Premier Volleyball League Open Conference elimination round sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Biyernes ng gabi.

Ang tikas ng 23-year-old, 5-foot-5 libero ang nagkaloob sa Angels ng 2-1 win-loss slate kagaya ng rekord ng Chery sa 10-team women’s indoor volleyfest. May 14 points si Grethcel Soltones sa Petro Gazz .

SM food to go Banner Ad

Lagpak naman ang HD Spikers sa joint sixth spot kabuhol ang Black Mamba PHL Army sa 1-2.

Tatlong salpukan ang magpapatuloy sa hostilidad bukas, Linggo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.