Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Araña ‘banas’ kay Almazan

0 256

Aminado si Rain or Shine veteran guard Ryan Araña na may ‘inis’ siya kay Meralco stalwart Raymond Almazan.

Ibinahagi ng Elasto Painters play maker sa Abante Sportalakan nitong Biyernes, ang damdamin dahil sa galing na taglay ng 6-foot-8 center ng Bolts.

“Hindi ako naiinis sa kanya dahil ‘yung badtrip ako (sa kanya), naiinis ako sa kanya kasi ‘yung galing niya sa game. Ang galing n’ya sa mga diskarte. Ang tangkad nya. Every time na le-lay-up ako, papalpalin niya ako, ‘yung mga ganun,” paliwanag ni Araña, 37. “Hindi hatred.”

Ayon pa sa kanya, mayroon ding mga pagkakataon sa laban na nasasaktan siya ni Almazan nang hindi naman sinasadya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.