Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arana MVP ang galawan

0 49

Matapos kunin ang career-high 29 rebounds, tila hindi natitigil ang paghahari ni Arellano Chiefs center Justin Arana sa 97th season ng NCAA men’s basketball tournament matapos manguna sa MVP race sa pagpasok ng play-in round.

Tangan ang parehong league best na dambuhalang 17.13 rebounds per game at 2.88 blocks, isama pa ang 15.5 points per ge na ikalawa sa liga, masasabing namumuro sa MVP plum ang 6-foot-5 big man na dating hirap sa playing time sa mga panahong naglalaro pa ito sa UST Growling Tigers.

Tinulungan ni Arana ang Arellano na makapasok sa play-in stage na kakaharapin ang Perpetual Help Altas para sa do-or-die game ngayong araw.

SM food to go Banner Ad

Nakabuntot sa kanya ang dalawa sa dahilan ng pagiging undefeated ng Letran Knights na sina Rhenz Abando at Jeo Ambohot.

Parte rin ng listahan para sa NCAA MVP award sina Will Gozum ng St. Benilde, JM Calma ng San Sebastian at James Kwekuteye ng San Beda Red Lions. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.