Abante Tonite Interactive

Araña nag-blowout sa mga frontliner

0 394

Hindi man pwedeng magtawag ng bisita, dinaan na lang ni birthday boy Ryan Araña ang selebrasyon sa pagpapapansit at patinapay sa mga frontliner ngayong panahon ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa kanyang Facebook account. makikitang todo handa ito ng pagkaing inihahain sa mga frontliner. At ang nakakabilib pa ay siya mismo ang nagluto.

“This is how I celebrated my birthday. Instead of having a party, I planned on making it more meaningful by celebrating with our heroes in the streets. Thank you to our frontliners, security guards, policemen etc. It was a simple act yet seeing their big smiles made it fulfilling,” pahayag kahapon ng ROS shooting guard.

Sa pamamagitan aniya nito ay magaan na maipapakalat ang positibong pananaw lalo na ngayong dumaranas ang bansa ng krisis sa nakamamatay na sakit.

“I hope we can spread kindness and positivity especially at a time like this. Special thanks to all the people here at home who helped me with all the preparations. Cheers everyone,” hirit ng 6-foot-2 baller mula sa Tondo, Maynila na nag-36-anyos nitong Marso 23.

Hindi rin niya pinalampas ang mga taong walang tirahan, nang maging ang ilan sa mga ay abutan niya ng kanyang pa-blowout.

Sa ngayon ay tigil aksyon muna ang basketbolista dahil suspendido ang mga laro sa Philippine Basketball Association (PBA) dulot ng covid. (Aivan Episcope)