Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arana, Rosales babu sa RoS

0 293

Itsa-puwera na sa Rain or Shine Elasto Painters sina Ryan Araña at Krismoir ‘Kris’ Rosales.

Hindi na ni-renew ang nag-expired nilang kontrata.

Kinumpirma ni RoS coach Carlos ‘Caloy’ Garcia ang balita sa kanyang Instagram account post nitong Lunes kasunod ang pasasalamat sa dalawang veteran free agent na.

Pumirma ng one-year conference contract ang 13-year pro veteran na si Araña, 36, para sa E-Painters nitong 2020, habang si Rosales naman mula sa TNT ang naging kapalit ni Jericho Cruz noong 2018 sa isang trade. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.