Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Araña takam sa luto ni Belga

0 98

Ngayong nasa labas na ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble si Rain or Shine veteran guard Ryan Araña, hindi na niya napigilan pa ang pagsabik sa nakatatakam na mga luto ng kanyang teammate at roommate na si Beau Belga.

Ibinahagi nang two-time PBA champion kay host Sarah Jireh Asido sa Abante Sportalakan Biyernes ang ilan sa kanyang karanasan sa pananatili ng ilang buwan sa Angeles, Pampanga.

“Nami-miss ko ‘yung luto ni Beau masarap. Masarap din ‘yung pagkain na sine-serve ng hotel. Sobrang quality food talaga. Pero minsan may time na nagsasawa na kami kasi paulit-ulit lang,” kwento ng 36-year-old, 6-foot-2 shooting guard.

Ayon pa sa Elasto Painters play maker, nasasabik rin siya sa kanyang teammates na araw-araw niyang kasama mula pagkagising, luto, almusal, workout, tanghalian, practice, jogging at babad sa pool. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.