Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aranas bibigkisin ang sports

0 160

Hindi umaasa sa mga numero si Jesus ‘Clint’ Aranas para palitan sa puwesto si Philippine Olympic Committee (POC) president Abrahan ‘Bambol’ Tolentino.

“I will leave that to your best judgment,” giit nitong Martes ng bagito sa sports na pangulo ng World Archery Philippines (WAP), sa 54 qualified voters sa Nobyembre 27. Siya lang ang bisita sa PSA webcast Forum nitong Martes na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Ayon din sa former Government Service Insurance System (GSIS) president, general manager at Bureau of Internal Revenue (BIR) deputy commissioner, simpleng tao lang siya, walang itinatago at hangad na mapag-isa lang ang PH sports.

“For those who have known me, I’m a very simple person. I have nothing to hide. And we should be unified. Otherwise, it will never work,” wika pa ni Aranas, na malugod namang tinaggap ni Tolentino ang pagtakbo. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.