Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arangkadahan sa IRONKIDS

0 49

Papagitna na ang mga kabataan na una sa mala-bakal na pasiklaban ng tibay ng mga mama, sa salpukan naman para sa apat na taong mga kategorya sa IRONKIDS Philippines ngayong Sabado ng umaga sa The Mactan Newtown sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Nasa 222 ang mga sasabak sa swim-bike-run race na may iba’t ibang distansya sa bawat kategorya sa junior vesion ng Megaworld IRONMAN 70.3 Philippines na Linggo naman ang botak . Atat na ang lahat dahil sa dalawang taong pagkatengga ng karena sanhi ng pandemya.

Ang pinakatampok ay ang 13-14 class na may 54 ang kasali, kabilang 37 lalaki, na ilalalargang may mahigit na 400-m swim, 12-km bike, 3-km run.

Ang 6-8 group ay may 100m, 2km bike, 1km run; sa 9-10 bracket ay 200m swim, 6km bike, 1.5km run, at sa 11-12 category ay may lampas na 400m swim, 6km bike, 2km run.

Sisimulan ang mga aksiyon sa alas-5:00 ng umaga kasunod ang transition open and race briefing sa 13-14 category at gun start sa alas-6:00 ng umaga, alas-6:40 ng umaga ang pakawala sa 11-12 side, sa 9-10 group ay alas-7:20ng umaga at sa 6-8 division ay alas-8:00 ng umaga, ayon sa nag-organisang IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. nitong Biyernes.

Ang 11-12 ay may 25 boys at 20 girls samantalang 40 ang maglalaban sa 9-10 trophy, kabilang ang 23 mga babae. Ang 6-8 ay may 14 na lalaki at 15 kababaihan.

Sa mga detalye pa, bisitahin ang http://ironkidsphil.com/site/ o social media accounts ironkidsphil sa Facebook at Instagram.

Samantala, higit 2,000 entries mula sa 46 na mga bansa naman ang magrarambol para sa Megaworld IRONMAN 70.3 Philippines presented by AIA Vitality sa The Mactan Newtown din, na may mataas na mga nakataya at mas may mahirap na pagsubok kesa mga nakaraang IM base sa bagong bihis na ruta ng 1.9 km swim, 90km bike, 21k run.

Kabilang dito ang pagtampok sa pinakamahabang bagong tulay sa bansa (ang Cebu-Cordova Link Expressway, ang 8.9 km toll bridge freeway sa Metro Cebu nagkabit sa Cebu City at Cordova Town.

(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.