Abante Tonite Interactive

Aratiles gamot sa type 2 diabetes

1,478

Nadiskubre ng16-anyos Ilongga scientist

Umani ng papuri ang isang Ilonggang estudyante matapos ibahagi ang pag-aaral tungkol sa aratiles na maaring maging gamot sa diabetes.

Ito ay kinilalang si Maria Isabel Layson, 16 taong gulang, mula sa Iloilo National High School (INHS) Special Science Class.

Isa siya sa 12 student-resear-chers representatives ng Pilipinas para sa 2019 Intel Science and Engineering Fair (ISEF) sa Phoenix, A­rizona USA.

Naging tulay ang pagkapanalo niya sa National Science and Technology Fair (NSTF) para maging kinatawan ng Pilipinas sa prestigious competition. Natanggap niya rin ang karangalang Gokongwei Brothers Foundation Young Scientist Award.

Sa pananaliksik ni Layson na may pamagat “Bioactive Component, Antioxidant Activity, and Antidiabeti­c Properties of Muntingia calabura Linn, an In Vitro Study” nadiskubre niya ang potential ng sarisa o aratiles bilang gamot sa type 2 diabetes.

“Pinag-aralan ko ang aratiles o sarisa (local term) para i-address ang diabetes. Ang conclusion nito is that, all of the plant parts ng sarisa (aratiles) ay nagko-contain ng anti-oxidants na makakatulong sa anti-diabetic properties nito,” panayam kay Layson ng RMN Iloilo.
Dagdag pa niya, madaling mahanap at bumili ng aratiles.

Nilinaw din ni Layson na hindi lang bunga ng aratiles ang mapapakinaba-ngan, maging ang ugat, sanga, dahon, at bulaklak nito.

Naging sentro ng pag-aaral ni Layson ang diabetes dahil mara-ming namamatay sa sakit na ito, saan man bahagi ng mundo.

Mayroon tatlong uri diabetes, ang type 1 na madalas makita sa mga bata, type 2 na karaniwan naman sa matatanda, at gestational diabetes sa mga buntis. (Juliet de Loza-Cudia)