Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Araw ng Maynila racing festival nagbabalik

0 68

Muling aariba ang pinakaabangang horse racing festival bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Maynila.


Gaganapin ang Araw ng Maynila racing festivities sa Manila Jockey Club (San Lazaro) sa Carmona, Cavite ngayong Huwebes, Hunyo 24, ngayong taon.


Siyam na trophy races ang inaasahan kasama ang ipamimigay na cash prizes at mga tropeo sa mananalong mga horse owner at medalya para sa magwawaging mga jockey at trainer.

SM SuperKidsDay Banner Ad


Ang pagdaraos ng karera ng mga kabayo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila ay isa sa kapanapanabik na araw sa taunang racing calendar ng horse racing industry.


Nagbabalik ang karera sa pagsusumikap ni Manila Rep. Manuel Luis T. Lopez
“Taon-taon, isa sa pinakamalaking paraan ng ating paggunita sa Araw ng Maynila ay ang pagdaraos ng Araw ng Maynila racing festival. Noon, kahit hindi natatapat sa araw ng karera ang June 24, ginagawan natin ng paraan upang maganap ang napakasayang araw ng karera para sa lahat ng bayang karerista at para maipagmalaki ng bawat Manilenyo. Kailangan nating pahalagahan ang ating mga tradisyon at ang ating kasaysayan kaya’t ako’y nagsumikap upang maganap itong espesyal na pagdiriwang na ito,” pahayag ni Cong. Lopez.


“I look forward to seeing all our bayang karerista in the Araw ng Maynila Racing Festival and I would like to greet all kareristas, happy racing. I would also like to greet the people of the City of Manila a meaningful 450th foundation day. Next year, with all your help and support, I look forward to seeing the return of the Gran Copa de Manila race and a stronger horse racing industry,” dagdag ng kongresista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.