Abante Tonite Interactive

araw ng selebrasyon?

3 korona aasintahin ng Perpertual Help

242

Puntirya ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) na masikwat ngayong araw ang tatlong titulo sa 94th NCAA indoor volleyball tournament.

Namumuro ang UPHSD na masilo ang women’s, men’s at ju­niors crown pagharap sa magkakahiwalay na katunggali sa FilOil Flying V Centre-San Juan City.

Binulaga ng Lady Altas ang defending champion Arellano University Lady Chiefs, 21-25, 25-17, 25-21, 25-20, sa game one ng best-of-three finals. Muling magtatapat ang da­lawa sa alas-kuwatro ng hapon.

Ibinagsak naman ng Altas ang College of St. Benilde Blazers, 23-25, 25-19, 23-25, 25-23, 15-12 sa men’s side.

At kinalos ng Junior Altas ang Letran College Squires, 25-15, 25-19, 25-19 upang lumapit ang Las Piñas-based squad sa asam na walisin ang tatlong divisions sa volleyball event ng 10 eskuwelahang liga.

Sakaling matupad ang pangarap ng UPHSD, magiging pang-walo na ito sa liga.

Unang nakagawa nito ang dating league member Ateneo noong 1984, habang sunod ang San Sebastian ng anim na beses (1984, 1993, 1994, 1995, 1996 at 2002).

Target din ng UPHSD ang pang-apat na wo­men’s crown, 12th men’s title at 11th ju­niors’ championship.

“We’re close to achieving something special and we’re going for it,” sambit ni Sinfromio Acaylar, ang UPHSD athletic director at men’s volley coach.