Abante Tonite Interactive

Arawang brownout amoy scam

258

“Every crisis is an opportunity to steal.”

Bahagi ito ng tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. kaugnay ng rotating brownout na may tatlong araw nang nararanasan sa Metro Manila at ilan pang probinsya sa Luzon.

Inihalintulad pa ni Locsin ang sitwasyon ngayon sa nangyari noon hinggil sa isyu ng mga independent power producer o IPP na binayaran aniya ng gobyerno para sa kuryente subalit bigo namang makapagpatayo ng mga planta.

“The last time we had rotating it was prelude to the biggest scam in human history: the Independent Power Produ­cers where govt paid IPPs for electricity they contracted to produce but never put up plants to do it. Amazing. Every crisis is an opportunity to steal,” tweet ni Locsin.

Nag-ugat ang hugot ni Locsin tungkol sa nararanasang rotating brownout sa kasalukuyang bilang reaksyon sa pahayag ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na kasalukuyan umano silang nagpapatupad ng manual schedule kung saan magkakaroon ng tatlong oras na power interruption.

Paliwanag ni Zaldarriaga, batay na rin ito sa abiso sa kanila ng grid operator dulot ng kakulangan sa operating reserve dahil sa ‘unplanned outage’ ng ilang power plant.

Nag-brownout na sa maraming lugar sa Luzon kahapon dahil kulang ang suplay ng kuryente.

Tumagal ng tatlong oras ang power interruption sa mga lugar na sinisilbihan ng Meralco nang magsagawa na ito ng tatlong oras na rotating brownout matapos magdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines ng red alert sa Luzon alas-otso pa lang ng umaga. (Eileen Mencias)