Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arawang COVID case posibleng pumalo ng 20K

0 155

Maaari umanong umabot sa 20,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Ito ang ibinabala ng OCTA research group, kasunod ng biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus na hinihinalang dahil sa community transmission ng Omicron COVID-19 variant.

Ito ay matapos na makapagtala noong Martes ng 5,434 bagong kaso ng COVID-19 at positivity rate na 26.2 percent na siyang pinakamataas mula noong Setyembre 2021.

Nitong Miyerkoles naman nakapagtala ng 10,775 bagong kaso ng coronavirus.

SM food to go Banner Ad

“By next week, most likely madadagdagan pa ‘yan. Posibleng dumoble pa ‘yan, aabot tayo mga 20,000 plus,” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.

Maoobserbahan umano ang peak ng mga kaso ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng Enero.

Nabatid na may 14 kaso na ng Omicron variant ang na-detect sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.