Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arbilon pasok sa Global Finals

0 172

Binalewala ni 30th Southeast Asian Games PH 2019 gold medalist Princess Honey Arbilon ang puyat at mahabang oras ng paghihintay upang magkatsansa pa sa pinakamataas na karangalan, martsa International Modern Pentathlon Union’s (UIPM) Laser All Stars women’s under-22 Global Finals.

Hindi inalintana ng 18-anyos na national athlete mula sa Ormoc City ang matinding pagod at antok upang bokyain si Nouran Beheiry ng Egypt, 4-0, sa quarterfinals ng online tournament.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Halos ala-1:00 nang madaling araw na bago napalaban ang dalagang Pinay sa qualification round ng world shootfest na sinalihan ng pentathletes sa 35 bansa mula sa lima sa anim sa Africa, Asia, Europe, North America at South America.

May 32 pang naiwan na mga kalahok na pawang mga nakatuntong sa top 4 ng kanilang dibisyon buhat sa 256 na mga atleta na ang iba’y sa Laser Home Run sumubok sa virtual event ng UIPM. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.