Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arbitral ruling sa South China sea posibleng mawala – Locsin

0 167

Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na posibleng mawala ang nakamit na Arbitral ruling sa South China Sea kapag inihayag ang isyu sa magaganap na United Nations General Assembly (UNGA) sa September 2020.

Ayon kay Locsin, nanalo na aniya tayo kaya di na kailangan pang buksan muli ang usapin sa international body.

“When you win something, you do not appeal your victory… Because once you throw it to the United Nations, I’m afraid China has the numbers there and it’s about numbers. It’s not about law,” ayon kay Locsin sa isang interview.

Paliwanag ni Locsin na ano ang posibileng mangyayari kapag binuksan muli ang usapin. Magkakaroon ba ng paglabag sa ang bansa dahil pumapanig ang ruling sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Locsin na duda itong makakuha ng suporta ang Manila sa ilang UN-member states gaya na rin ng nangyari noon.

“I was in the United Nations. I can tell you from the major blocks of developing countries, let’s call them that, small countries like the Non-Aligned Movement, they always vote against the inclusion of our Arbitral Award in any resolution by those large voting bodies. We are always rejected; they always go with China,” ayon pa dito. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.