Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Archbishop Lavarias sinisiw ang COVID

0 67

Nakarekober na sa sakit na COVID -19 si Archbishop Florentino Lavarias, ang arsobispo ng Diocese ng San Fernando, Pampanga.

Sa ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP, nakalabas na ng ospital ang 64-anyos na arsobispo. Ayon sa Archbishop, bagamat ligtas na sa virus ay itutuloy niya ang quarantine sa kanyang bahay.

Naospital si Arcbishop Lavarias noong Pebrero 27 matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus.

Kasabay nito ay pinasalamatan ng arsobispo ang mga nagbigay ng panalangin sa kanyang paggaling maging ang mga doktor at iba pang hospital workers na nag-alaga sa kanya.

“May God share with you all the graces and blessings that He continues to shower upon me at this very moment,” pahayag ng arsobispo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.