Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Archer may utang sa official

0 272

“Nakakalungkot po dahil sa tagal ng panahong nanilbihan siya sa archery, hanggang ngayon kahit wala na siya sa puwesto, hindi po matatawaran ang kanyang dedikasyon at pagmamahal pa rin sa mga atleta, at opisyales ng sport.”

Ito ang suma ni dating national developmental pool member (1996-98) Majah Najah Loja-Benedicto sa pagpupugay sa yumao noong Hulyo 10 na si dating National Archery Association of the Philippines (NAAP), Inc. secretary general-treasurer Ligaya P. Manalang ng Balut, Tondo, Manila.

Tumatanaw ng utang na loob ang kawani ngayon ng Dept. of Social Welfare District Office sa naging amo niyang kapitbahay na kakilala niya sapul noong 1996.

“Siya po naging God’s way para makatapos po ako ng pag-aaral (PUP-Sta. Mesa, BSPE). Kasi kinuha niya akong NAAP office staff niya during my OJT, pero may allowance po ‘yun. At isa rin po siyang magandang ehemplo sa akin para ma-engage po ako sa sports activities (not just in archery), na kahit po isang babae ay may kontribusyon sa sports,” hirit ni Benedicto.

Pinanapos niyang aktibo pa rin siya bilang archery scores committee chairman sa mga international at local competition sa bansa gaya ng SEA Games, Asia Cup, PH National Games, Batang Pinoy, SCUAA, WAP at iba pa. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.