Abante Tonite Interactive

ARCHERS, BULLDOGS BASAGAN SA BIG DOME

By
9

Mga laro ngayon (Smart Aranta Coliseum)
2:00 p.m. — NU vs. DLSU
4:00 p.m. — FEU vs. UE

Tanging La Salle at National U na lang ang hindi pa nakakatikim ng talo sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball, isa sa mga ito ang uuwing may dungis ang karta pagkatapos ng basagan mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa unahan ng pulutong ang Green Archers sa 3-0, kabuntot ang Bulldogs sa 2-0. Sa ikala­wang laro ang giyera ng mga taga-Recto sa pagitan ng FEU at UE.

Masaya si coach Eric Altamirano sa umpisa ng Bulldogs sa season, pero hindi pa kuntento dahil aniya ay mahaba pa ang torneo at alam niyang may puwang pa ng improvement ang team.

At matitibay ang mga susunod na makakasagupa nila, una ang La Salle na galing sa 38-point demolition sa season host UST noong Miyerkules. Huling biktima naman ng Bulldogs ang Ateneo.

Sa pre-season, tinalo ng NU ang DLSU pero ibang usapan na ngayon sa UAAP. Naihuhulma na ni Altamirano ang sistema niya sa Bulldogs, si coach Aldin Ayo ay hindi pa nagtatagal sa Archers.

“Malakas din ‘yung NU,” puna ni Ayo. “Contender ‘yun because matagal na sila magkakasama.”

Bentahe lang ng mga taga-Taft si big man Ben Mbala na isa nang hindi mapigil na double-double machine, may Jeron Teng pa silang umaasinta sa labas.