Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Archery official Manalang, 79

0 186

NAMATAY na nitong Biyernes ang matagal na dating National Archery Association of the Philippines (NAAP), Inc. secretary general-treasurer na si Ligaya ‘Gaya’ P. Manalang sa edad na 79 dahil sa atake sa puso dulot sanhi ng matinding hika.

Inabo ang kanyang bangkay Sabado sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Quezon City kung saan siya nakaburol sa Room Solace ground floor hanggang bukas (Lunes).

Ihahatid ang kanyang labi sa huling hantungan sa Eternal Garden Memorial Park-Baesa sa Caloocan City sa Martes (Hulyo 14.

Inulila niya ang mga kapatid na sina Nancy M. Lejarde, Virginia P. Manalang, Leticia P. Manalang at Lorna P. Manalang, at mga pamangking sina former national coach Henry Manalang, Garry at Gladys. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.