Abante Tonite Interactive

Archie Gamboa bagong PNP chief

269

Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si officer in charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa ang bagong talagang ‘regular’ Philippine Natio­nal Police (PNP) chief..

“We have the PNP chief. I’m going to appoint you as the regular PNP but you and Secretary Año and I will have a long, long talk first,” sabi ng Pangulo.

Ginawa ng Pangulo ang announcement sa thanksgiving ga­thering ng The Fraternal Order of Eagles na ginanap sa SMX Convention Center sa Davao City kahapon.

“Ipinakita mo sa akin ‘yung since­rity mo and I’d like you to leave something that you will be remembered by the country,” dagdag ng Pangulo.

Si Gamboa ang papalit sa nagbitiw na si dating PNP chief Oscar Alba­yalde dahil sa kontrobersiya ng mga ninja cop. (Prince Golez/Aileen Taliping)