Abante Tonite Interactive

Arci, Anne talbog! Bela matitikman si Kim Gun-woo

620

For the first time, magsasama sa isang pelikula ang South Korean actor na si Kim Gun-woo at ang Kapamilya actress na si Bela Padilla. Kinumpirma na ito ng korean news website na Soompi at ng agency ng Korean actor.Kinabog niya ang mga K-pop fanatic na sina Arci Munoz at Anne Curtis.

Ayon sa report, ang direktor sa likod ng successful series na “Princess Hours”, “Playful Kiss” at “The Return of Iljimae” na si Hwang In-roo ang magpo-produce ng pelikula.

Ang movie ay pinamagatang “Ultimate Oppa” at ang ilang eksena ay kukunan sa Pinas at sa South Korea.

Ang upcoming film ng aktres ay pinrodyus ng Reality Entertainment at VIVA Entertainment. Maraming tagahanga ng K-Pop fans sa Pinas ang makaka-relate sa plot ng istorya dahil ang role ni Bela ay isang Pinoy fan ng Korean stars. (Rona Ronda)