Abante Tonite Interactive

Arci handang makapompyangan si Angel

By
2,814

PAYAG si Arci Muñoz na maging lesbian sa isang proyekto.

Tinanong siya kung sino sa mga aktres natin ang gusto niyang maka-kissing scene?

Aminado siya na ang crush niya ay si .

“Pero hindi papayag ang batang ‘yun,” sambit niya.

Agree si Arci na diyosa ng kagandahan si Liza.

Medyo malabo na maka-partner niya si Liza, sino ‘yung pupuwede?

“Sino bang puwede?” balik-tanong niya.

Si Angel Locsin?

“Oo naman..wow! Gusto ko ‘yun. Oo. Ang bilis ng sagot,o!” pakli niya sabay tawa.

“Sige, gusto ko ako ‘yung tomboy,” sey pa niya.

Pero hindi naman siya tomboy?

“Minsan nga po napapaibig ako hehehe..Hindi naman,” tugon niya.

Anyway, mapapanood si Arci sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na Since I Found You, na magpapa­kita kung paano uusbong ang pagmamahal sa mga taong naghahanap ng pag-ibig simula April 16 sa Primetime Bida.

Bagong timpla ng saya at romansa ang ma­tutunghayan ng mga ma­nonood sa pagsasama-sama sa unang pagkakataon nina Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, JC De Vera, Empoy, at Piolo Pascual na siguradong kasasabikan sa dala nilang kilig tuwing gabi.

Saan nga ba hahantong ang pagkakatagpi-tagpi ng kanilang mga puso? Mahanap na nga kaya nila ang pag-ibig na ka­nilang inaasam?

Kasama rin sa cast ng Since I Found You sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto, at Michael de Mesa.

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at direksyon ng box-office director na si Antoinette Jadaone.

Sino ang bagong Reyna ng Aliwan 2018?

INAABANGAN ang mainit at pukpukan na labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta, sa paglahok ng 20 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa maning­ning na mga pagtatanghal sa ika-27 at 28 ng Abril.

Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na su­portado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.

Mula sa Luzon sina Karla O’Hara dala ang Panagbenga festival ng Baguio; Chanel Mistyca Corpuz para sa Abrenian Kawayan festival ng Abra; Joy Mayanne Barcoma para sa Talong festival ng Villasis, Pangasinan; Lady Justerinnie Santos na kakatawan sa Singkaban festival ng Bulacan;

Micaela Manuel para sa Halamanan festival ng Guiguinto; Radhell Berbon dala ang Tagultol festival ng Atimonan; Ella Mariz Cayabyab para sa Boling Boling festival ng Catanauan; Ashanti Shane Ervas, kinatawan ng Niyogyugan festival ng lalawigan ng Quezon; at si Maristela Santiago, dala naman ang Tayo Na sa Antipolo Maytime festival.

Hindi magpapaawat ang mga Bisaya. Ipapadala ng Caluya, Antique si Joyce Marie Sebio para sa Binirayan festival. Kinatawan naman ng Iloilo Paraw Regatta si Keziah Bartolome. Susubukan ni Shaila Mae Rebortera na mapanatili ang korona sa Sinulog festival ng Cebu, habang lalaban naman nang husto si Chelsea Fernandez ng Sangyaw festival ng Tacloban para sa mga Waray.

Mula sa Mindanao, buo ang delegasyon ng kariktan mula sa Region 12: Arl Banquerigo para sa Munato festival ng Sarangani; Sharifa Mangatong Areef Mohammad Omar Akeel para sa Kalimudan festival ng Sultan Kudarat; gayundin sa mga taga-General Santos City na sina Novie Shane Leonerio para sa Tuna festival at Elizabeth Bills para sa Kalilangan festival. Dala naman ni Chrislyn Jabonero ang dangal ng Kalivungan festival ng North Cotabato.

Manggagaling naman sa Zamboanga del Norte si Jackie Ruth Urongan para sa Salug festival, at Zamboanga del Sur si Bianca Iraham ng Zamboanga Hermosa festival.

Ang magwa­wagi bilang Fes­tival Queen ng Aliwan Fiesta 2018 ay mag-uuwi ng isandaang libong piso (P100,000) at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo.

Gaganapin ang pageant night sa ika-27 ng Abril sa harap ng Aliw Theater sa CCP Complex, samantalang ang coronation night ay susunod sa Grand Parade ng ika-28 ng Abril.

Para sa karagdagang detalye mag-email sa siouxstar@gmail.com o tumawag sa 832-6125/555-3477. Maaari ring tingnan ang official Facebook page ng Aliwan Fiesta o ang website sa www.aliwanfiesta.com.ph.