Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arci, JM trip iboykot ng mga fan

0 556

NI: ARCHIE LIAO

Matagal nang magkaibigan sina JM de Guzman at Arci Muñoz. Katunayan, naging magkaklase sila sa Theater Arts sa UP Diliman noong nasa kolehiyo sila. Gymmates din ang dalawa kaya never mong maiisip na made-develop sila sa isa’t isa.

Pareho rin sila ng interes, dahil nang sumailalim si JM sa military training bilang reservist, ganoon din si Arci. Para sa aktres, best friend ang turing niya kay JM at komportable na siya sa situwasyon nila noon.

Ayon din sa aktres, si JM ang tipong laging nandoon kapag kailangan niya. Siya iyong tipo ng kabarkadang nahihingahan niya ng mga problema sa buhay at nagpapagaan ng kanyang loob.

Kaya naman nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon from best friends to lovers, marami ang natuwa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey nila, bagay daw ang dalawa dahil nagco-complement ang kanilang personality. May ilang namang skeptics na nagsabing paandar lang daw nila ang lahat para mapag-usapan. May ilan ding nag-opinyong nakikiuso lang ang dalawa sa showbiz couples na gumagawa ng ingay sa pagkaburyong sa panahon ng lockdown.

Ilang bitchy observers naman ang humirit na pakulo lang nila ang best friends to lovers eme. Kaya naman nang ibuking ni Arci na prank lamang ang kanilang lovers kuno relationship, sa halip na magbunyi, marami ang na-turn off.

Feeling nila, napaglaruan sila at napasakay sa gimik ng dalawa.

Anila, hindi raw biro na gawing prank ang ganoong klase ng trip.

May mga iritada ngang gustong ipa-boycott ang dalawang partners-in-crime para mabigyan ng leksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.