Abante Tonite Interactive

Arci magpapakilig sa Semana Santa

507

Ibang klaseng kilig at katatawanan ang ibibigay nina Arci Muñoz at Pepe Herrera bilang isang alien at isang tao na magmamahalan sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba sa bagong iWant original series na ‘Jhon En Martian’.

Habang nagbabakasyon ngayong Semana Santa, maaaring mapanood sa iWant ang five-episode romantic comedy series tampok ang nakakatuwang love story nina 223 (Arci) at Jhon (Pepe).

Magkasamang tatahakin ng dalawa ang kanilang misyon para lamang makabalik na sila sa dati at ordinaryo nilang mga buhay, ngunit kalauna’y mahuhulog din ang loob nila sa isa’t isa.

Abante Hiring – IT dep

Matutunan kaya nina Jhon at 223 na pagkatiwalaan at mahalin ang isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakaiba? Paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig sa kabila ng paghahadlang dito ni Queen 222 (Rufa Mae Quinto), ang Queen Mother of the Royal Empire of Mars?

Ang ‘Jhon En Martian’ ay idinirek ni Victor Villanueva, na siya ring director ng critically acclaimed film na ‘Patay na si Hesus’. Iprinodyus naman ito ng Dreamscape Digital, Quantum Films, at Project 8 Corner San Joaquin Projects.

Kabilang naman sa cast sina Mon Confiado, Jojo Alejar, Aiko Climaco, Jelson Bay, Joel Saracho, Ge Villamil, Dolly De Leon, TJ Valderama, Emman Nimedez, Kedebon Colim at GB Labrador.

Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebisyon na minahal at tinutukan ng mga Pilipino, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dreamscape Entertainment sa Dreamscape Digital, na siya ring nasa likod ng ‘Glorious’, ‘The Gift’, ‘Apple of My Eye’, ‘Project Feb. 14’, at ‘Bagman’.

Mapapanood ang ‘Jhon En Martian’ nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Roldan Castro